bago mag-demo ang demo(nyo)
one of my greatest fears is to appear boring in front of my classes, or any audience, for that matter.
that's the reason why my blog had to wait for five long days before i put anything into it.
my apologies to Mr. Cirilo Bautista, cause i did not heed his advice on form (as you can see small letters are down pouring here).
suskuday!
demonstration teaching ko nga pala ngayon sa harap ng aming pinagpipitagang directress (madre). at katulad ng mga pinagdaanan ko nang demo---chika lang.
hindi ko lang sigurado kung bakit may adrenaline rush akong nararamdaman bago magsimula ang pangtutuyang mangyayari ilang saglit pa?
grabe! iniisip ko na kung ano ang sasabihin n'ya kapag nakita nya (ipapakita ko talaga) ang pencil topper ko na si Darth Mole (kulay pulang mukha, maraming itim na tatoo, may anim na sungay at may nanlilisik na mga mata) bwahahaha!
chika lang.
chika lang naman talaga, parang araw-araw naman kasi ginagawa ko, at ng ibang mga guro, ang bagay na ito. kaya hindi ko makuha ang logic kung bakit may kaba, kibot, takot o kurot sa kanilang mga... (hindi clit) buto kapag na-isked na sila para mag-demo sa harap ng ibang guro.
naalala ko tuloy nung may demonstration teaching kami nung student-teacher pa lang ako. ilang ulit kong nadinig mula sa fellow ST's kong mayabang daw ako. bakit? kasi nakakakain daw ako ng ayos, nakakatulog ng maaga, nakakagala, nakakapagsulat, nakikichika at marami pang iba. eh bakit sila raw hindi makagawa nun?
asar na asar ako kapag free period namin at magkakasama sa kuta, meron pa silang mga murmurs at mimics na: "ay!!! demo ko na!!!" (na punong-puno ng kakyondian) ano gusto mong gawin ko patayin ang soup mo para hindi matuloy. tinanong ko sila minsan (one of my kind days) kung bakit sila kinakabahan, gayong ang demo ang hudyat ng wakas at simula ng bagong yugto (sorry for the drama) ng kanilang shetness? sinabi ko rin na: "the difficulty of anything depends on the manner of how we approach it." but everything fell on deaf ears (or ears filled with stalactites and stalagmites ---nagpapanggap kasing science major--- of ear wax). to make the long story even longer, nakagraduate kami ng college. end.
ngayon ako ay...
araw-araw nasa harap ako ng mga elite na mga bata. araw-araw chinichika ko sa kanila na ang kalayaan ay ang masabi ang gusto mong sabihin. na ang kasiyahan ay hindi nangangahulugang ang mga gusto mo ay parehas ng sa iba. na maaring hindi lalaki ang d'yos. na lahat tayo ay pawang gumaganap lamang sa mga papel na kadalasan tayo din ang may likha. na ang preposition to ay hindi binabasang [ti] (kahit 'yung isa naming kasamahan ganon ang turo---infinitive daw kasi---chika lang). na mahalaga ang makinig. na hindi totoo ang best friend. na ang kamatayan ay hindi nangangahulugang katapusan. na dapat kang matutong mag-isip para sa iyong sarili.
at kung ano-ano puro chika lang naman.
ang school.
gusto ko lahat plansado, pwera lang 'yung uniform namin pag lunes kasi lukot talaga yun. gusto ko hindi baduy, kaya lang yung uniform 'pag martes kulang crust yung polo at dark blue yung pants.
gusto kong magpakalbo, kaya lang sususpindihin ka at papasok ka lang pag mahaba na ulit ang buhok mo. gusto ko yung maginhawang uniform, kaya lang naka long sleeves yung mga bata dito, may pa jumper effect pang parang apron. gusto ko malamig sa klase, kaso hindi talaga kayang palamigin ng tatlong kaluluwang bintelador ang malaking klase. gusto ko tahimik, kaso pagpinagsama-sama mo lahat ito isa lang ang produkto: ingay.
punong-puno ng ingay! sabi ni shakespeare "an empty vessel makes a loud sound". ikaw magpakahulugan.
mga gintong butil(hindi palay).
sabi ng daddy ko nung graduation daw nila ang gintong butil ng speaker ay: "dalawa lang ang tatahakin nyong lugar, ang una ay ang pagsunod sa agos ng sistema. ang ikalawa, ay ang pagsalungat dito. pero mas madali ang sumuod sa agos, kaysa labanan ito."
napaka fruitful da ba? pano kung sa imburnal ang patutunguhan ng agos? eh di uubusin ko ang buhay ko hanggang sa huli nitong sandali para maglublob sa mabahong tubig ng marurumi--- pasensya na pero "i don't subscribe."
ayoko sa sistema dito.
ayoko sa craming.
ayoko ng sinasabihan ng mga taong hindi alam ang sinasabi.
ayoko sa mapag-imbabaw.
ayoko sa basura. sawang-sawa na ko sa basura. gutay-gutay na ang katawan ko (chika lang ito).
ayoko ng ulam sa karenderya.
ayoko.
pero gusto kong baguhin ang pag-iisip ng mga stude ko---yun lang siguro dahilan kung bakit nandito pa ako. kaya itutuloy ko ang ginagawa ko.
chichikahin ko sila dahil ang lahat ng ito ay...
chika lang.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home