scatteredbondpapers

Monday, August 08, 2005

suskuday!

akalain mo may demo na naman kami ngayon, parag last friday lang kami nagdemo sa harap ng mga lola nyo tapos ngayon demo na naman.

asar. naubos ko lahat ng oras ng sabado at kalahati ng linggo para sa visual aids. bad trip ang putik!

ang topic ko pa naman ay ang pinakamahirap na lesson na "writing the plural form of nouns". wow. kahit ako inaantok dun eh.

naubos ang buong saturday ko kakatupi ng manila paper na aminin nating habang tumatagal ay lalong nag-aamoy burak (hindi ako nagbibiro). bad trip ba naman kasi yung mga kartolina, napaka mahal tapos mag-guguhit kapa. asar.

"ayan na sila". putik naman mga tsong (manila boy akey) nadinig ko na naman ang mga katagang ayokong-ayokong nadidinig mula sa mga gurong araw-araw nagtuturo. bakit ba kasi? ano ba ngayon kung may ma-shonda? may tajiri? may thunderbird? na nanonood (buti kung hindi tulog) sa likod ng klase mo. sabi nga sa commercial, "isipin mo na lang guard yan" s'ya yung nagbabantay ng mga magsisipag puntahan sa kubeta. bwahaha!

hindi ko pa kamo natapos yung visuals na mabaho nung sabado, kinain pa nun yung kalahati ng araw ko ng linggo. putres. hindi tuloy ako nakapag table tennis maghapon. bad trip.

pagpasok ko sa isang klase, pinatayo ko na yung mga bata tapos pinagpulot ko ng kalat, abay umeenter na ang lola mo (literal).
kaya pinagdasal ko na ang mga bata (gulat kayo no? tanong ko sa sarili ko? hindi kasi ko nagpapadasal) at pinaupo pagtapos.
ang hirap mag-isisp ng motivation sa grammar lalo pa't ganon yung topic. suskuday! pa'no mop kaya pagsasamahin ang values education saka plural forms of noun?

oo nga pala, dumagdag sa bad trip ko nung linggo ay yung pagpunta ko ng bsu. inaasahan ko kasi na may pre-let test kami dun, kasi naman ayon sa iskedyul ay august 7, 2005 ang huling araw ng review ng mga pobreng kukuha ng let sa susunod na linggo (sana pumasa kami). pagdating ko sa bahay ng mga langgam, abay tahimik. at pag-akyat ko sa nest (hindi si alma moreno) wala ni isa mang kaluluwa! anak ng tinapa (yung mas maliit na tinapa), iniba daw yung isked at ginawang sabado august 6, 2005. putik. sayang ang pamasahe ko.

nagtuturo na ako ng forming plural nouns. medyo madami talaga kong nilagay na burak sa pisara. naguumapaw. abay ang lola mong nasa likod ay napakagara ng upo! kulang na lang ay humilata sa sahig ng kanyang mga pangarap! tuluyan na tuloy nawala ang ningas ng aking kasiyahan sa boring kong topic. napaka elementary kasi. kung wala lang ito sa hanay ng dapat ituro, wit ko talaga sya teach. bad trip kamo talaga.

ngayon lang ako nag-mukhang boring sa klase ko. ngayon lang ako nagmukhang inaantok sa klase. ngayon lang ako nawalan ng gana sa subject. ngayon lang ako nakakita ng tajiring ayaw pumostura. ngayon lang ako hassel. ngayon lang pumangit. ngayon lang ako jahe. ngayon lang ako hindi lumabas ng iskul para mag-lunch. ngayon lang ako nakakain ng masarap (hindi kami kumain sa karenderya). ngayon ko lang naisip na kalbo si thunderbird. ngayon lang ako nasilaw sa kinang. ngayon lang.

si thunderbird kaya, kelan nya maiisip na ang normal voice ay hindi pasigaw. kelan kaya nya maiisip na kailangan marunong makinig sa explanation. kelan kaya sya gagamit ng shampoo (na galing kay amang, kabayo). kelan kaya matatpos ang visiting forces agreement. kelan babaha dito. kelan ako gagamit ng tandang pananong pag nagtatanong. kelan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home