"...i'm drunk but i'm sober
i'm young and i'm underpaid
i'm tired but i'm working..."
hindi ako makapagsulat ng maayos ngayon. ang dami ko pa namang gustong isulat. tulad ng: usok at alikabok na nilalamas ang katawan tuwing papasok ako sa trabaho; ng crush ko na isang 4th year student dito na mistulang anghel na kukunin ako at dadalin sa lugar na siya lang ang nakakaalam; ng gulo ng isip ko dahil hindi ako siguro kung itataboy na ba ako ng iskwelahan pinapasukan ko; ng directress naming feeling ko talaga ay may angst sa akin; ng takot ko kung ano gagawin ko sa hinaharap; ng maraming tagyawat na nagaaklas sa pisngi ko dahil siguro sa lahat ng ito.
so, ano na?
hindi ko pa alam. hindi ko na malaman kung sang banda ba ako pupunta para matanaw ang aking nasasakupan. hindi ako sigurado kung ang pananatili ba dito ay nararapat (good things happen to those who wait) o ang lisanin ang lugar na ito (go and seek your destiny). totoo pa lang pag nandito ka na sa tunay na mundo darating lahat ng saklap na pwede mong salpakan.
tapos?
hindi ko pa nga alam kung pano ko sisimulan, yung ending pa kaya. ano na ba? parang hindi ko ito ha? dati lagi kong alam ang dapat gawin; ngayon hindi na. siguro dahil lagi kong pinagdarasal na sana dahil ako ni Lord kung saan niya ako itinakdang mapunta--which brings another contradiction in my philosophy: we make our own destiny. hindi kaya excuse ko lang yung dasal na yun para may shield ako t'wing matatalo ako. siguro.
pano yung bukas?
ang bukas ay darating kahit anong hadlang man ang gawin ko, hindi ko ito mapipigilan. siguro, sa ngayon, hahayaan ko na lang dumaloy ang mga pangyayari. sabi nga ni "spike" sa "whatever happens, happens". mangyayari ang dapat mangyari.
bahala na.
pagod na akong magisip at marami pa akong gagawin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home