elem na 'ko.
[ikalawa]
kilala mo ba si "pong"?
yung mamang nakasidecar dati na ngayon ay tricycle na?
korek.
yung nakapwesto sa may assumpta?
oo.
yung maraming tindang texts cards, sticker na pag ininitan ay mahuhubaran yung litrato, yung may nba cards, gundam, baril, trumpo, pletsa, yoyo....?
magkabatch tayo!!!
si "pong" ang panginoon pag dating sa luhong pambata at pang nagiisip bata. daig pa ni pong si santa claus pagdating sa mga usong-uso at mga classic na laruan.
si pong din ang pinupuntahan ng mga sobrang naming baon, para makakuha rin kami ng bagong pletsa o yoyong umiilaw, madalas nga eh nagiipon pa kami para makiuso sa
buong sambayanan pagdating sa laruan "pong fever" talaga. hindi ko alam kung bakit tinawag na "pong" si pong, kung popularity lang ang usapan, daig ni pong ang "The Da Vinci Code".
hindi ko na ngayon alam kung nasa pwesto pa si pong madalang na akong mapunta dun eh, pero si pong ay malaking part ng aming elementary days.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
makasama mong nagkampo-kampo (habulan ng dalawang grupo, ang kaibahan may base, may bihag, may points) ang barkada nung grade one to five; kasama kang naki picnic dun sa bukid after
na exam kasi half day lang; kasama mo rin silang bumili nung, ano nga ba yung tawag dun sa parang mga crabs (konyo) na lumilipat ng shell? basta yun na yun; kasamang nag-aral na origami
para paanurin sa baha sa may corridor; nanukso ng teacher kasi ang sungit; nagkakras; nag sulat sa bag ng klasmeyt, topakin kasi (sinulatan ko talaga yung bag nung kaklase ko, pero todo deny ako);
nambuwisit ng mga babae; nag enjoy; syempre nag aral.
pagtapos ng grade five hindi na uso ang kampo kampo, "bang-sak" ang in sa amin. derived yung word from "bang" onomatopoetic word which implies the sound of a gun and "sak" pinaiksing filipino word
na ibig sabihin "saksak". yan ang laro namin nun. sa bang-sak isa lang ang taya, ikaw ang may dala ng baril, ang objective mo: barilin lahat ng kalaban na may "sak". ang unang nabaril mo patay=out
at sya ang next na taya. wala kang dapat gawin kundi pagbabarilin ang mga kasali. madaling maging taya ano?... mali ka dun. ang challenge na larong ito ay una, ang hanapin, ang mga may panaksak na
nagtatago (nalimutan kong sabihin, modified taguan nga pala 'to); pangalawa, umiwas masaksak, kasi matataya ka ulit; at pangatlo, panatilihing malinis ang damit mo para hindi ka pagalitan ng nanay mo.
saya. pero matagal din akong hindi nakapag bang-sak, muntik ko nang hindi talaga magawa. nung grade six kasi, kinukuha ko yung bola na napunta sa kabilang side nung ginagawang bahay ng tito ko. syempre
tumungtong ako sa pader na hindi pa tapos, dumulas yung footing ko at ayun... tusok yung kanang hita ko sa nakausling bakal... daig ko ba ang na ice pick. sumigaw ako, nagpanic. hindi ko kayang hugutin
yung sarili ko mula dun. binunot ako ng tito ko at isinugod sa ospital. manhid yung hita at buong binti ko kaya walang sakit, pero nakakapanghina pala yung matuhog ka ng bakal. dalawang bagay lang at
napatunayan ko dun: una, love ako ni Lord dahil sa hita at hindi sa tyan ako natusok, at pangalawa, maputi pala ang buto ko. hehehe...
ang lupit nung doktor dun sa ospital, 3 days lang day ang kaylangan ko tapos pwede na akong mag-aral, eh 5 araw na hindi pa ako makalakad mag-isa. dinagdagan ko ng ng "1" yung "3" days na inilagay nya sa
medical certificate ko, para sa excuse sa school. tagal kong bakasyon, dalawang linggo. pagbalik ko tuloy sa iskul, ayun, culture shock. ano na itong topic natin??? after one week ng discussion, exam.
bagsak ako sa math, sa science, at sa tle. pumasa ako sa values, hekasi, at english, hehe.
bukod sa pagkanta ng "i can" ni donna, regine, mikee. wala akong masyadong matandaan sa graduation namin nung grade six, chika lang yung para sa akin eh. pero kanina nakita ko ulit yung picture ko sa
year book nung grade six at.... flat tops pala ako nun!!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home