[ikatlo]
"Hello, good morning, how ya do?
What makes your rising sun so new?
I could use a fresh beginning too
All of my regrets are nothing new."
ang daming estude na hinahanap ang seksyon nila sa bulletin board dun. late pa nga akong dumating, and, as usual, naghahanap ng kasama. ayun! si mutya, klasmeyt ko nung elem, top student yan, pero hindi kami masyadong close, pero significant s'ya sa kwento kasi s'ya ang nagsabi sa akin ng balita: "paul, red ka."
huwat???!!!!????
ano yung red? wala akong kahit na maliit na idea kung ano yung ibig nyang sabihin, pero mukhang hindi maganda yun... ayun, ang red pala ay section sa first year level tulad ng blue, green, at yellow. ibig sabihin hindi na kami isang section lang, nung elem kasi isang section lang ang bawat level. bad trip yung majority ng mga klasmeyt ko blue, yung iba hiwahiwalay na.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
si ma'am bunagan yung adviser na red, sya din ang teacher namin sa english, sya ang nagpakabisa sa amin ng nominative, objective, at possessive kinds of pronouns, matagal-tagal ko ring kinabisa yun. walang masyadong happenings sa first year bukod sa mga ito:
-napatayo ako sa math namin kasi hindi ko alam yung sagot;
-laging may pinakamataas na plus yung grupo ko sa science, kasi pag review lagi kaming nangunguna---hindi ko nga alam kung bakit sa exam eh hindi ako nakaka 86% man lang bad trip.
-na bad trip ako dun sa isang teacher ng values ed namin, kasi nagtanong sya "kung may dapat bang urungin sa lababo nyo, ginagawa nyo kahit hindi iutos ng nanay nyo?" sagot kami "opo", yung iba "hindi po". syempre ako sa sa "opo", sabi nya naku talaga bang may kusa kayo? yung ibang "opo" umatras na, ako, sugod pa rin... ayaw maniwala ni ma'am, todo kontra sa akin, pero ako sugod pa rin (tatanong tapos hindi maniniwala) na bad trip talaga ako nun. ako kaya yung panganay sa aming magkapatid, tapos nung time na yun bata pa utol ko, syempre sino kaya gagawa nung mga iyon...
-at ang pinaka matindi sa lahat ay.... P.O.D. shoot ako sa banga! ang pinakaayaw na lugar ng mga magaaral. dati kasi ang layo nung canteen mula sa may rum namin, mas malapit yung canteen sa may sapa na ginagawang dump site ng iskul. promise, dun kami ng barkada nagrerecess, hindi kami kumakain ng basura, dinadala namin yung binili naming pagkain karaniwang egg sandwich o kaya waffle, at yung softdrinks na nasa bote. 20 minutes lang yung recess namin, kulang pa yun sa haba ng pila ng mga gutom na bata, pagkatapos naming makipag
gyera sa canteen diretso na kami sa hang-out.
kung kulang ang time para sa pagkain, lalo pa siguro kung ibabalik namin yung mga bote ng softdrinks. ang siste namin, pinapalipad namin yung mga bote sa karatig na sapa. BOMBS AWAY! ayun kakabombs away namin, fly away ang mga letters to the parents. may isang kasangga namin ang nahuli. patay.
actually hindi naman ako nahuli, hindi rin naman ako isinumbong. basta nung nalaman kong nayayari yung mga comrades ko, join the club na rin ako. oo, isinuplong ko yung sarili ko. bait ko no? bait, hindi baliw. ayun, fly ang mami at dadi ko sa skul. drama effect mula sa P.O.D tapos ang bottomline lang pala ay kaylangan naming (ng mga nahuli at ako na umamin) bayaran yung mga bote; feeling ko mga dalawang cases lang yung binasag namin, pero anim na cases yung pinabayaran ng canteen. putik na mga yun. anyway, no choice but to pay all of it. bayad muna bago record. yun ang una at huling racord ko dun, sa tingin ko.
okay, second year to fourth year, balik-loob ako sa mga klasmeyts ko get together kami. kahit madami rin akong frends sa red, iba talaga yung bond nung mula elem, kasabay mo kasi silang bumili kay pong, nanukso ng mga teacher, at lahat ng kalokohan. kung tinatanong mo kung wala bang naebs sa klase, oo, wala akong natandaang najerbaks sa klase.
second year.
tinukso namin yung principal ng iskul, nag baseball sa loob ng rum kung saan nabasag ang salamin. dito inipitan ni bugi ng ballpen yung ceiling fan na biglang umusok. dito tinuksok ni macco yung mata ni budok ng ballpen. nag wrestling sa room at kung ano-ano pang mga kalokohan.
third year.
lumipat kami sa bagong building medyo mataas yung room namin. at sa likod nun, may hagdanan, instant tambayan. cool. cool talaga yung building kasi ang likod nun yung "panchon", sementeryo ng bayan na bulacan. na hindi lang pwesto ng mga bangkay, pwesto rin ng nagbabag, nagbababag, at balak magbabag. maraming nangyari nung third year, masyadong marami hindi ko na makwekwento, basta third year kami nag prom, nanligaw, nang asar, pasensya na ha, nagdodownload ako ng files sa trabaho baka mahuli ako eh. hehe.
fourth year.
"counter-terrorist win." yan ang karaniwang na naming gustong marinig everyday. after ng iskul derecho kami sa kompyuter shop ni kuya romel. ang pwesto nya dun sa taas ng evelyns, malapit sa munisipyo, katapat ng credit coop. dun. always present kami para mag counter o kaya mag diablo, hiniling na namin na sana may "scroll to kumpyuter shop kami" para mula sa room portal na kagad.
hindi ako ganon ka husay sa counter, pero marami rin akong pinabagsak na kalaban, yun nga lang, kasabay ng pagbagsak ng mga kalaban ang pagsadsaf ng grades ko, pers time kong nakakuha ng 75 sa math. putcha, hindi masarap makakuha ng ganon. at lalong hindi masarap dahil applayan sa college, at lalong hindi masarap ang mapagalitan ng parents mo. putik talaga. after nun, binawasan ko na ang paglalaro, haggang sa super dalang na lang, hanggang sa hindi na talaga. nung tinatanong tuloy ako ng mga estude ko dati kung nag raragna ako, sabi ko hindi, hindi na ako mahilig dyan.
sabi nila pa nag reretreat nagiging banal, pero kami, demonyo ata talaga, nung retreat kasi namin, tinukso namin yung adviser namin na dalaga pa nung time na yun sa isang semenarista. okay lang sana nung una kaso may pa "age doesn't matter" pa kasi ayun, dalawang buwan nya kaming pinagpalit sa blackboard na kulay green, as in hindi talaga kami kinakausap. kaya...
nung magproprom na nun, tradisyon sa skul na merong pageant "mr.&ms. js". aminin kasali ako dun, ewan kung bakit ako nakasali, siguro dahil wala pa akong kahit isang tagyawat nun. ayaw ko nga eh kaso pumayag na din ako at yung mga 2 barkada ko na nakuha dahil dun sa nangyari nung retreat, no other choice. rampa nang rampa. pero olat ako. okay lang yun, hindi ko naman inexpect manalo, pero pagtapos nung pageant sabi nya number six daw ako eh five lang ang finalists, siguro pa konswelo. hehe
after ng pageant sa gabi nun ay yung prom night. sarap. lamig nung panahon na yun. nga pala may seatmate ako nung fourth year. isang tahimik kunyare na girl na cuteness, sobra. itago na lang natin sya sa pangalang "cristina". nung una parang ayaw ko pang kausapin kasi nga tahimik effect pero kinausap ko na rin no choice eh, pag boring ang subject kaylangan natin ng kadaldalan, sya yung sa akin. hehe. so it goes...
masaya pa la syang kausap at kasama, pwede naming pagusapan ang tungkol sa love, religion, tae, sexuality (pinahaba ko pa sex) (usap lang naman eh!) so ayun. masaya, pwede kaya syang maging girl... trinay ko, kaya lang nililigawan pala sya nung barkada ko. naunahan. gusto ko sanang sabihing "pare, may the best man win" pero bawal ang taluhan sa gang. yield tayo.
okay, mabalik tayo sa prom night, sweet dances ang highlights ng kahit saang prom, pag sweet na ang tugtog, mapupuno ang dance floor. madaling araw na nun, ang tugtog yung isa sa pinaka magandang love song na nadinig ko "take a look inside my heart", ang partner ko eh sino pa eh di si "cristina" kwe2to ko ba sya kung hindi sya character dito. okay sweet, ang sarap ng usapan namin habang nagsasayaw, at salamat sa malamig na ihip ng hangin niyakap nya ako! moment namin yun, ang saya. natural ang second serving, kaya go next song. putik yung kanta parang sinadya "if i keep my heart out of sight" super moment. kumpleto na ang prom ko.
pagkatapos ng kilig moments in the dance floor may indakan pa to the tune of "my sharona" field day yun, required ang bawat klase na sumali kaya hataw. naka leather jacket at maong kaming 12 boys, plus add-ons na bigote, patilya, at balbas, ubos ang tinta ng marker, yung tipong hagibis look, un kami.winner kami nun. promise.
fast forward.
graduation na!!!! putcha iba talaga ang bond namin, imaginin mo mula elem tight na kami, tapos eto na, time to go our own way.
kasabay ng group hug ang mga iyakan at saya at sipon na rin. pero bottomline ang saya!!!!
hindi dun natapos ang bond namin hanggang ngayon nagkikitakita pa rin kami at pag nangyari yun talo namin ang patawa ni vic at jose.
shetness!
rewind
may nalagpasan ako, dahil tumutugtog ngayon yung harana na parokya ni edgar naalala kong dati frustrated ako dahil hindi ko natugtog yang kantang yan. pero ngayon kaya ko na. nauso nga pala yung gitara nun, para kaming orchestra, bawat isa may gitara.
ang high school ang pinakamasayang part ng schooling ko, walang tatalo. salamat sa SPM (Samahan ng Poging Magaaral), kila yzthal at cheche at sa frends nila, kila kaye, and the gang, at sa mga hindi ko nabanggit kilala nyo na kung sino kayo. teachers sa ba. tenk you po.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home