kwentong kinder
[una]wala akong masyadong magawa ngayong oras, nakita ko pa si kiko (hindi yung matsing) na kumakanta ng "mga kababayan ko" nag flashback tuloy yung mga memories nung nasa kindergarten pa ako.
hindi na masyadong detalyado pero katawa pa rin palang balikan...
hindi ako katulad ni bob ong, at ng karaniwang batang pinoy, na nagbasa gamit at maliit na dilaw na aklat na may larawan ng isang ina at ng kanyang anak. iba ang ginamit ng mommy kong book eh. medyo malapad at kulay brown ata yun. yung buk na yun ang pinagsanayan kong guhitan, kulayan, sulatan, basahin, atbp... tulad ng paggupit ng mga larawan.. hehe.
tapos, pagtapos ng isa o dalawang buwan, dinala na ako ni mommy ko sa health center namin. may damit din akong kulay white na may lining na red at logo ng dswd, katawa...pero masaya. ang aral namin nun, pakanta-kanta lang, ikot-ikot, tumbling-tumbling, konting recitation, tapos na ang ilang oras dun... at ang the best ay ang libreng pamiryenda. akala ko nga noon kami sina hansel and gretel na patatabain lang at kakainin na ng buruka... buti na lang hindi.
nung time na nasa "dswd" pa ako naranasan ko na rin na iyakan yung ibang tao. dati kasi umiiyak lang ako pag pinapalo ako ng mami, o pag brown out at may mumo, o pag hindi ko nabili ang gusto kong text ng x-men. pero nun umiyak ako, kasi yung teacher namin nagpaalam na s'ya sabi n'ya sa amin hindi na niya maitutuloy ang pagtuturo kasi aalis na s'ya. ok lang sana kung aalis para sa mas mainam na trabaho, pero may sakit daw s'ya cancer daw. hindi ko pa alam kung ano ang cancer pero hindi yun magandang pakinggan, lalo pa't umiiyak s'ya habang nagpapaalam....
hindi ko na maalala yung ibang nangyari kasi hinabol yung buong klase namin nung mga putakte! p*t*ng mga putakte yung, namaga mata ko....
tapos, it's official, i'm in the kindergarten grounds...
mataas ang kulay dilaw kung medyas, maiksi ang asul na shorts, bao ang hairstyle, may baong zest-o, at as usual...payat. pumayat nga ata ako ng tuluyan dahil sa zest-o na yan. ewan.
konti lang kami sa klase, 20 lang ata kami. at konti na lang rin ang mga kilala ko sa mga yun. eto sila: si paul (hindi ako) flat-tops sya nun, payat, at laging dumudugo yung ilong, kilala s'ya ngayon bilang "don pakundo" sa aming brgy.; si christian, flat-tops din, medyo mahhhaaaabbbbaaaa ang baba, astig nung kinder, "talala" ang palayaw nya ngayon, ewan kung saan nakuha pero ngayon sya ay isan nang ama at kasama ang ibang kalalakihan sa paghuli ng bangus mula sa palaisdaan ni "kasboy"; si mary jane, partner ko yun nung united nations parade, sya yung muse nung klase namin; ako ewan kung officer ba ako, si "mj" ay nagwowork na ata sa mister donut ngayon, hindi ko na masyadong nakikita, pero nung huli kaming magkasakay sa jip, inilibre pa ako dahil walang panukli yung driver, naawa sa akin.hehe.
dagdagan ko lang yung details about dun sa united nations. after ng parada may program: may tumula, magdrama, sumayaw... ako... song and dance ang drama, ewan kung sino ang nagturo sa akin ng lyrics ng "mga kababayan ko, dapat lang malaman nyo, bilib ako sa kulay ko, ako ay pilipino (breal it down)" naka costume ako ng magbubukid: pulang lonta, long sleeves, bandana, at sumbrerong gawa sa dahon ng niyog. yun na yun. dati may pictures pa ako sa amin pero nung inayos ng konti yung house namin naisama ata sa buhos.
natapos ang kindergarten, hindi ko malala kung marami ba akong natutunan pero valedictorian akong umalis sa lugar na yun at lumipat sa eskwelahan sa bayan ng bulacan...
mas malaking iskul, mas maraming, estudyante, mas maraming palaruan, mas maraming teacher... mas mahal ang bayad....
(abangan ang susunod na kabanata)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home