Pasado kami!
Pagkatapos ng matagal na pahihintay eto na.
Relieve.
Sa lahat ng mga kasama kong nakarating sa pampang ng aming schooling para sa inyo ito!
Congratulations!
Kay lhon na kasamahan ko sa mentors, na lider ng grupo nila sa play prod na nakaaway ko dahil sa schedule ng play, na titser na ngayon sa isang katolikong paaralan, nawa’y mas lalo pang tumigas ang ating (hindi buroy dahil hmmpp na un) pagkakaibigan.
Kay dawo na mahusay naming artist sa mentors, na ex ni april, na kasabay ko madalas umuwi nung coed pa kami, na seryoso usapan naming sa jip, na ngayon ay isa na ding guro sa katolikong paaralan, pare text ka naman, para maiskedyul na natin ang laklak blues natin. Nawa’y ibahin mo na hair style mo, dahil, sabi nila, kamukha mo si sir villamor.
Kay mark na man ed sa mentors, na malakas sa extra rice dati (pero ngayon no extra rice policy ang drama) na kasamahan ko sa pagtuturo sa isa pang katolikong paaralan, na kasamahan ko rin sa play naming na “the anatomy of the passionate derangement”, eric gamalinda na numero uno sa play production, na malapit nang sumakay sa eroplano kasama ng faculty, na ngayon ay katapat ko na sa table dahil lumisan yung dati kong katapat don. More calorie burning program pare, thanks for informing me about this job, baka nasa telopono na rin ako kung hindi mo sinabi (may luha-luha pa).
Kay ice na makyondi sa mentors, na meron daw movie ang “cather in the rye” ni salinger kahit wala naman kaming makita, na pinaka pose sa barkada dahil payat! Pero note: machorba ag lowla, sya na nagsulat ng mga tulang tungkol sa love, na ngayon ay professora na sa iskul sa kanyang bayan. Magkikita tayo ulit at next time hindi na sa pandayan.
Kay dervs na ngayon ay Religion teacher na sa isang katolikong school na pang elementary, na laging malat pag nakakasakay ko sa jeep, na talaga namang nagpapasaya at nagpapaingay na rin sa klase kasama ng kanyang mag ka chrobang sina bunny, kuki, at lady na may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan, salamat sa inyo. Keep it up.
Kay cristina na ubod ng sipag mag-aral, na nag text sakin ng graphics ni Jesus na hindi ko pa binubura sa cel ko, na ubod ng bait na ka-grupo sa play namin, na may kakambal, na mahal at nirerespeto ng lahat sa klase, na kabarkada ni Jessica na isa pang tahimik pero tunay namang napakabait. Kayo yan eh! Kaya sa inyo ko!
Sa barkadahan nila charles, jo-ann, jess, chiqui, na talaga namang maingay sa klase naming (lalo si chiqui), na parang may mga mic sa katawan (si charles meron---ngeekk) sabi ko sa inyo tayo-tayo rin ang magkikita sa finals. Reunion na ito.
Kay Kristine g. na nag stop na one year para maging klasmeyt kami at sa mga kabarkada nyang sina roselyn at alpha, kahit na tahimik kayo sa klase alam kong nasa loob lang ang mga kulo nyo, na balang araw ay lalabas din kasabay ng paglabas ng mga (hindi moda) luha sa inyong mga mata pag bumalik tayo sa ciudad clementino para mag swim. We’ll see you soon.
Kay Karen na magaling umarte, magaling pumiyok, at magaling tumitig na masama, na lead actress naming kahit na male role sya, nagalit din sa isa naming kagrupo dahil nagmamahusay, na minsan nakita kong kasama sila meliluz at lorelin (hindi lang nila alam, ginamit mo lang sila.hehe) masarap yung isaw na ibinigay mo sa’min dati sa may tindahan nyo, kaso bitin. Sabi nga ng mojofly---sa uulitin.
Kay april at sa mga friends nyang sina rhealyn at itsang na laging magkakasama. Ayan pasado na tayo ha. Keri nyo na yan individually. Kerbs ko nga ba sa bonding nyo basta, I know you are happy together. I’m happy for you.
Kay eliza na jowaers ko na for almost four years, galing natin. Sabi ko sayo kaya natin yan eh. Congats baby. Mahal kita.
Sa parents ko na pinag aral ako da best kayo. Sabi nga ni bro. eddie “babangon din tayo.” Ingat kayo and I often fail to say this but I do care and love you.
Kay rhea rose at jem na parang may summer fling noon kahit si jem lang ang may alam. kuha kayo next year para masaya na tayo lahat.
kay bullet na aking kaibigan. na pumupunta dito pag huwebes para mag galore somewhere, na madalas kasabay kong umuwi, salamat sa mga conversation na napaka saya at informative ang chika. Salamat sa pagtitiwala (mike enriquez voice). Da best ka! Next year kuha kana para ikaw naman ang taya.
Sa lahat ng klasmeyt ko, kumuha ng LET o hindi, pumasa o hindi, buntis man o retokada na, may ngipin o pustiso. Salamat sa inyong lahat, I have to admit my college life is the best part of my schooling because I’ve shared it with people like you. Maaaring kulang ang mga salita para punan ang damdamin ko ngayon pero para sa inyo ‘to.
Pasado tayo!