scatteredbondpapers

Tuesday, October 03, 2006

shet! alam mo bang binura ko na lahat ng messages mo sa inbox ng mail ko. pero, bad trip yung sent items pala nun eh hindi pa din clear! ibig sabihin nakita ko na naman lahat ng mail mo. nabasa. binasa. flashflood lahat ng alaala ng ginawa natin nung time na yun. emails. texts. putayan sa text. puyatan sa email. telebabad. shet! ayoko nang balikan pero those do haunt me.

naalala ko yung time na nagbabasketball kami nung mga bataan ko at nanood ka. jahe talaga. pero syempre, lahat ng best moves ko naexecute ko. tapos nung time na we were up against varsity team. di ba nandun yung bf mo nung time na yun. i blocked his drive to the hoop, just to prove that i could do better in anything, even that of loving you. shet!

nabasa ko lahat ng email conversations nating dalawa... kung pwede ko lang i-post dito lahat na mail, para hindi na ako mahirapang magdescribe. pero hindi pwede. let those remain in the past that has no place in our present. pero shet talaga!

ayoko na sanang balikan ang pakikinig sa mga kanta ng juana (fave mo goodbye), ni faith hill (fave ko yung breathe), at ni seal (walang may fave alin man sa atin). pero binalikan ko ngayon. bad trip talaga ako. minsan masokista ata talaga ako. i love inflicting pain to myself.

ayoko nang maalala kung pano makipagtagisan sa buwan. hindi ko naman talaga kayang magpuyat nun. alam mo yun diba. pero until 1am tumatagal ako, para lang hindi maputol ang usapan natin tungkol sa kahit saang bagay, kahit walang kinalaman sa atin.

ayoko nang maalalang kinantahan kita ng two trick pony nung may overnight program. hindi ako umuwi nun kahit na alam kong kinabukasan dapat 9am nasa rehearsal ako. oo, hilo ako dun sa final rehearsal for the play. pero at least, i did something pretty bold for you.

ayoko nang maalala yung time nung hinabol mo ako kasi iniwan kita at ang iyong mythology test paper, kasi break na ayaw mo pang magpasa. tumakbo ako papuntang quarters at nagtago sa may lababo. humabol ka at pinagtanong kung saan ako nagtago. ayoko na. promise. alam mo rin sigurong habang nagtetest kayo nun eh nakatitig ako sa'yo. nagreklamo ka pa na side nyo lang ang binabantayan ko. shet. ayoko na!

pero ang pinaka ayoko sa lahat ay nung time na nasa internet room ako, nagpi-pinoypoets.com. dumating ka, kasama ang mga berks mo, kinulit ako sa paghahanap ng research mo about breast cancer. nung una ayaw ko pa, pero nagiba rin depensa ko at sinabi sa'yong meron ako nun. "bigay ko sa'yo yung papers, edit mo na lang." ayoko na ring balikan na dahil dun sa scene na yun, nalaman natin yung phone numbers natin. at nagsimula ang lahat.

ayoko na. promise. ayoko na talaga... pero shet! hindi ko mabura!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home