hindi ko alam kung bakit kahit saang direksyon ako lumiko, bumabalik pa rin ako sa'yo.
inasahan ko nang tapos na ang "tayo"--- kahit gaano man yun kaigsi. pero bakit eto na
naman ako at nagpapanggap na kasama kitang bumubuo ng nobelang mayroong
masayang katapusan.
weirdo ang naging start natin, we're literally worlds apart; though back then I thought
that we can make ends meet; we can stretch time and place with all the strength that that
feeling has--- but no, we can't. it is even weird to imagine that we had the strength,
when in fact all we had was a fantasy of you and me.
i'm tired of inflicting this pain and absurdity to myself, but i can't stop; i won't stop;
i don't want to stop. i'm fine to be in a situation such as this, cause this is the only way
that i got to be with you. i'm tired, pero i'm still hoping na ang make believe Republic na
ginagawa ko ay balang-araw magma-materialize. kahit alam kong malabo,
kahit may mga masasaktan, patuloy pa rin akong aasa.
you are not my cure; you are my drug that keeps me afloat. lumulutang ako sa isang realidad
na ikaw lang ang may kakayahang magpatakbo---walang direksyon, walang patutunguhan,
walang kasiguruhan, walang pinanghahawakan---pero tyak may sayang ibibigay sa akin.
sana lang ay makuha ko pang manatili sa agos ng totoo kong buhay habang patuloy akong
umiikot sa liwanag at ganda ng iyong mga mata.
pinaamo mo ako gamit ang tinig ng iyong mga ngiti. ikinulong sa ugong ng iyong malamyos
na tinig. iniwang tulala sa tabi ng teleponong magdamag kong binabantayan sa
pagbabakasakaling maalala mong may ako pa pala. ako na dating kasama mo sa pagpupuyat,
ako na dating nagbibigay ng saya sa mga labi mo gamit ang mga kwentong likha
ko (kwentong tangi kong maiaalay sa'yo). ako na minsan ay naniwala sa pangarap mong
naglayag sa agos ng mga ulap; kahit alam naman nating hindi magaganap.
pero ngayon malayo pa ang patlang sa pagitan nating dalawa kaysa sa layo ng FEU sa
Malolos---hindi natin matawid, hindi natin mabagtas--- ayaw nating tulayin. takot kasi tayo
sa pwede nitong ihatid sa atin, takot tayong magbago, takot tayong mag-adjust,
takot tayong masalaula ang araw-araw nating tila file cabinet na--- maayos, tahimik, malinis---
pero walang thrill, walang surprises, walang dapat asahan sa bawat pagbangon mula sa
pagkakahimbing, dahil alam na natin kung ano ang kahahantungan sa bawat pagsilay ng buwan.
ngayon, siguro, ganto muna ako. pero darating din ang oras na tatawirin ko
ang lahat ng pagitang naghihiwalay sa ikaw, sa ako, sa tayo, at sa atin. dahil hindi kaylan man
ako uusad tungo sa mamaya hangga't hindi ko nararanasan kung papaano ang mahalin mo.
*para sa'yo na minsan tinawag kong ttp.
2 Comments:
asim!
babaerong emosyonal!
haha!
pasensya na. mahirap talaga ang maraming chikas ever.
buharharhar
Post a Comment
<< Home