"I do not know beneath what sky nor on what seas shall be thy fate; I only know it shall be high, I only know it shall be great."
----richard hovey.
binalak kong takasan ang pagtuturo, sa katunayan pagkatapos na pagkatapos ng graduation, pumunta ako, kasama ng tatlong kamag aral sa lungsod ng "call center"---makati.
first time ko sa makati. walang ideya kung anong lugar na 'tong mga nilalakaran ko; walang ideya kung saan ako makakarating. ang alam ko lang ay ang MRT, na dapat kong puntahan kung gusto ko pang makauwi.
noon ko naranasan ang unang beses ng totoong interview. sisiw lang sana, kaso baradong-barado ang nostrils ko sa bwisit na mucus na kulay white, minsan yellow (yuck! sabi ng mga maselan.) "so why do you want to be part of this calling center?", sabi nung matabang babae sa people support sa makati. alam ko nang magiging ganto lang ang mga klase ng tanong, pero pag buka ng bibig ko, ngo-ngo ata ako, dahil nga sa sipon. bad trip.
marami rin kaming nalibot na call center: infoxxx, convergys, e-pldt, (dami noh! hehe) actually, marami pa, may apat pang hindi ko na matandaan pangalan. sori po. awa naman ng Dyos eh, nakapasa ako sa bawat interview at tests na ginawa ko sa bawat isa. may panel interview, may group interview, may one-on-one (yun ba tawag?), at may mga modulation ek-ek. ayos resulta, "set for the final interview."
medyo matagal pa yung moment para sa final interview, kaya tulad ng mga nagdaang bakasyon, tambay na naman. minsan tennis, minsan gala (pag may pera), madalas bilyar, mas madalas kwentuhan lang. habang naghihintay ako ng mga final interview at sinisipat ang 9 ball para pumasok sa corner pocket, nag text si Mark (aka. amang, fatman beyond), meron daw open para sa teaching position sa St. Mary's Academy of Hagonoy (SMAH) isang poging-poging English Teacher ang hinahanap; yung fresh grad ng BulSU; Feature Ed. ng Mentors Journal; naghihintay ng final interview sa call center; marunong mag drums; 20 years old; marunong mag billiard; tennis at volleyball; tiga Malolos; pogi. Paul daw ang pangalan. Ako. hehe.
dahil wala naman akong magawang matino nung mga oras na yun, nagpunta ako sa SMAH. bitbit ang visual aides na tumatalakay sa tula ni Percy Bysshe Shelley (baka sakaling pwede kahit anong topic, handy rin yun), 4 na libro: 2 grammar, 2 Litt., permanent marker, tape, at ang imortal na manila paper. swerte pa rin, dahil sa jip nakasakay ko si Ivy, yung Student Teacher ko nung H.S. na nabanggit ko na rin sa "Commercial Muna". Mas maganda sya ngayon. promise. bago ako bumaba sabi nya "kayang-kay mo yan".
kaya ko nga.
binigyan ako ng topic na parallelism, Grammar, asar kasi mahirap magisip ng motivation para sa grammar. pero nairaos naman ng matino ang demo. tatawag na lang daw sila.
hindi ko alam kung bakit tuwing nagbibilyar ako saka may tumatawag sa akin. may magic siguro ang mga ivory kaya nag aattract ng trabaho, hehe. pero ayun nga, tumawag sa akin yung English Coordinator, punta na daw ako; okay daw ako; pogi daw ako.
pumunta ako, nag psychological exam, logical exam, personality exam. mataas daw ang I.Q. pero average lang sa Interpersonal relationship. pero shoot pa rin daw. ayos. after some time, pinapirma na ako ng kontra bulate. hehe. start na ko. bakasyon pa nun pero yung school na gustong makapasa sa PAASCU (Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities) kaylangan nang plantsahin ang mga gusot na meron at skul. kahit wala akong kamalayan sa mga yun, nandun ako. first time eh. hehe.
pinabayaan ko na yung mga final interviews ko sa Makati. May mga limang tawag pa akong natanggap sa kalagitnaan ng 2nd quarter ng school year, inaalok ako ng trabaho sa calling center, pero pass na. masaya pa naman sa piling ng mga estudyante ko.
*next time na yung experiences ko sa teaching. mahaba na eh.*