scatteredbondpapers

Friday, June 08, 2007

Wala na namang masyadong tasks sa office kaya as usual, dapat kang humanap ng mapapaglibangan. Sinubukan ko na ata ang lahat ng weirdong sites; nakinig sa mga guilty pleasures: pinoy raps nina gloc nine, andrew e., at salbakuta (stuped!); At nagpaka intelekt'wal sa pagbabasa tungkol sa anger management. Pero mukhang kulang pa rin ang lahat ng naisip kong sites para ubusin ang oras hanggang maguwian.

I should be savoring this last two weeks feasting my eyes and mind on the internet, since on the 18th I am officially out of the company to pursue my Teaching, this time in Marcelo H. Del Pilar National High Schoool (Marcelo). Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink-in ang ideya na babalik na ako sa pagtuturo. Nabibilisan ako sa shift, parang primara, tapos segunda kagad. Sana nga ay nakaarangkada na ang makina ko para lalong umayos ang takbo.

Actually, last year pa ako tinawagan ng Marcelo pero kakapirma ko lang sa kontrata dito sa Mindragon at may bond noon pero ang totoo, hindi yung bond ang naging factor para hindi ako umalis dito at pumunta sa Marcelo, gusto ko munang subukan kung ano ba ang meron sa mundong ito, at kung bakit, in-na-in ang trabahong ito.

Hindi ko naman talaga naexperience ang mundo ng call-center. No'ng pumasok kasi kami dito buko pa lang ng bulaklak ang call center division ng Mindragon, at hindi na ito tumuloy sa pagbukadkad para maging isang magandang bulaklak. Bagkos, nalaglag mula sa tangkay ang division, kasama ng ilan sa mga kasama namin. Swerte pa rin kami ni Mark dahil nilipat
kami sa Technical Department ng kumpanya, kaya tumagal at naging regular na nga kaming empleyado dito.

Maraming salamat talaga dahil ang dami kong natutunan tungkol sa computer dati-rati masaya na akong nakakapagbrowse through the internet; Ngayon alam ko na kung pano buuin ang websites. Dati okay nang may web-mail ka, ngayon alam ko na kung pano gunama at umikoikot ang proseso ng e-mails. At sa totoong buhay, pakiramdam ko mas nahasa talaga ang command of language ko. Hindi rin kasi maiiwasan na makuha mo ang accent ng mga dayuhan kung madalas mo silang kausapin.

Pero syempre, meron tayong tahanan na gusto nating uwian pag dating ng dapithapon, siguro ang sa akin ay ang teaching. Hindi kasi nawala sa isip ko na babalik ako sa pagtuturo. Hindi ko lang inasahan na ganto kabilis ang shift. Sabi nga, life is full of surprises. Kaya handa akong ipagpalit ang air-conditioned na kwarto, ang magaang trabaho, at ang pagharap lamang sa computer maghapon, para sa makukulit na mga bata, kulang sa bentilardor na silid aralan, kakaunting libro, at isang mabigat na gampanin: ang hubugin ang kabataan sa pagharap sa buhay.

Sa nalalapit kong pagpasok sa Marcelo, inasahan ko nang mas malaking pagsubok ang naghihintay. Hindi na down na website ang dapat kong solusyunan, kundi ang kabataang nawalan na ng ganang mag-aral ang dapat kong i-UP(lift); Hindi na ang congestion ng mails sa server ang dapat gawan ng paraan, kundi kung pano hahawakan ang isang kwarto na may magkakaibang personalidad; Hindi na updates sa files ang dapat i-upload, kundi ang karunungan at kaalaman ng bawat isang mag-aaral.

Bago ko panoorin ang Naruto o Bleach sa Dailymotion, dapat ilagay ko na sa isip kong: Teacher na ulit ako.

Malapit na.