scatteredbondpapers

Friday, June 08, 2007

Wala na namang masyadong tasks sa office kaya as usual, dapat kang humanap ng mapapaglibangan. Sinubukan ko na ata ang lahat ng weirdong sites; nakinig sa mga guilty pleasures: pinoy raps nina gloc nine, andrew e., at salbakuta (stuped!); At nagpaka intelekt'wal sa pagbabasa tungkol sa anger management. Pero mukhang kulang pa rin ang lahat ng naisip kong sites para ubusin ang oras hanggang maguwian.

I should be savoring this last two weeks feasting my eyes and mind on the internet, since on the 18th I am officially out of the company to pursue my Teaching, this time in Marcelo H. Del Pilar National High Schoool (Marcelo). Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink-in ang ideya na babalik na ako sa pagtuturo. Nabibilisan ako sa shift, parang primara, tapos segunda kagad. Sana nga ay nakaarangkada na ang makina ko para lalong umayos ang takbo.

Actually, last year pa ako tinawagan ng Marcelo pero kakapirma ko lang sa kontrata dito sa Mindragon at may bond noon pero ang totoo, hindi yung bond ang naging factor para hindi ako umalis dito at pumunta sa Marcelo, gusto ko munang subukan kung ano ba ang meron sa mundong ito, at kung bakit, in-na-in ang trabahong ito.

Hindi ko naman talaga naexperience ang mundo ng call-center. No'ng pumasok kasi kami dito buko pa lang ng bulaklak ang call center division ng Mindragon, at hindi na ito tumuloy sa pagbukadkad para maging isang magandang bulaklak. Bagkos, nalaglag mula sa tangkay ang division, kasama ng ilan sa mga kasama namin. Swerte pa rin kami ni Mark dahil nilipat
kami sa Technical Department ng kumpanya, kaya tumagal at naging regular na nga kaming empleyado dito.

Maraming salamat talaga dahil ang dami kong natutunan tungkol sa computer dati-rati masaya na akong nakakapagbrowse through the internet; Ngayon alam ko na kung pano buuin ang websites. Dati okay nang may web-mail ka, ngayon alam ko na kung pano gunama at umikoikot ang proseso ng e-mails. At sa totoong buhay, pakiramdam ko mas nahasa talaga ang command of language ko. Hindi rin kasi maiiwasan na makuha mo ang accent ng mga dayuhan kung madalas mo silang kausapin.

Pero syempre, meron tayong tahanan na gusto nating uwian pag dating ng dapithapon, siguro ang sa akin ay ang teaching. Hindi kasi nawala sa isip ko na babalik ako sa pagtuturo. Hindi ko lang inasahan na ganto kabilis ang shift. Sabi nga, life is full of surprises. Kaya handa akong ipagpalit ang air-conditioned na kwarto, ang magaang trabaho, at ang pagharap lamang sa computer maghapon, para sa makukulit na mga bata, kulang sa bentilardor na silid aralan, kakaunting libro, at isang mabigat na gampanin: ang hubugin ang kabataan sa pagharap sa buhay.

Sa nalalapit kong pagpasok sa Marcelo, inasahan ko nang mas malaking pagsubok ang naghihintay. Hindi na down na website ang dapat kong solusyunan, kundi ang kabataang nawalan na ng ganang mag-aral ang dapat kong i-UP(lift); Hindi na ang congestion ng mails sa server ang dapat gawan ng paraan, kundi kung pano hahawakan ang isang kwarto na may magkakaibang personalidad; Hindi na updates sa files ang dapat i-upload, kundi ang karunungan at kaalaman ng bawat isang mag-aaral.

Bago ko panoorin ang Naruto o Bleach sa Dailymotion, dapat ilagay ko na sa isip kong: Teacher na ulit ako.

Malapit na.

Sunday, May 20, 2007

resolve

ayoko nang tumingin sa 'yong mga larawan
dahil tila kidlat ka
na namang gigiising sa natutulog
ko nang alaala.

pano kung mamasdan ko na naman ang init
na hatid ng perlas mong mga mata?
pano mapapawi ang sunog
na dadalhin nito?
hindi naman aagos ang pag-ibig mo
tungo sa apoy na meron ako.

patawad, pipiliin kong hindi magmasid
sa mga labi
mong dati humubog sa aking bawat araw.
ayoko nang muling lumutang-lutang
gaya nung araw na ika'y lumisan.

hindi ko na tutulayin muli ang bawat letra ng
'yong pangalan.
mali ako.
hindi ko mababagtas ang daan sa puso mo.

Wednesday, April 04, 2007

kahapon na-enganyo akong subukan ang black bat:
isang uri ng mamahaling sigarilyo na purong kulay itim,
parang krayola, amoy at lasang tsokolate ang usok at pipa.
iba kaysa sa karaniwang sigarilyong puti, mumurahin, at amoy sunog
na dahon ng banaba.

nakita ko lang naman yun sa systems administrator namin.
humingi ako ng isa at sinubukang subukan kung ano nga ba
ang meron sa paghitik at pagbuga.

dati ko pa tinatanong sa sarili ko kung ano ang napapala ng
mga taong pilit hinihitit at pinapausukan ang mga baga nila
gayong hindi naman iyon puno, na pwedeng mamunga.

bumili ako ng posporo sa tindahan bago sumakay sa dyip pauwi.
tyempo, may tatlo akong kasabay na naninigarilyo rin. puti. ordinaryo.
kumuha ako ng dalawang palitong posporo at sabay
ikiniskis ito sa magaspang na gilid na bahagi ng kahon.

siklab.

naliwanag ang medyo madilim nang hapon sa loob ng dyip na
sinasakyan namin. napatingin ang mga kasakay kong may haway
na sigarilyo. namangha siguro sila kung bakit itim yung yosi ko
habang puti yung sa kanila; o baka naman nagtataka sila dahil
sa edad ko eh yosi ni lelang ang hihititin ko.

pero tumingin sila.

asteeg ako.

iba ako.

hinitit ko unti-unti at stick na kulay anino. pilit nagpapanggap
na beterano na ako sa pag-upos ng tabako. sabay ihip ng maputi at
amoy tsokolateng usok--- hindi ko naman talaga sinadyang papuntahin
sa direksyon nila ang usok pero dun yun nagpupunta. hindi naman sila
nagreklamo dahil bukod sa may sigarilyo rin sila eh mabango naman ang
usok na nanggagaling sa baga ko.

tatlong beses namatay ang sindi nung yosi ko. pero hindi ko agad-agad
sinisindihan. pinagtatagal ko, para hindi mahalata na namatay yun, at
para rin isipin nilang ang dami kong dalang mamahaling sigarilyo.

hitit.

ipit.

buga.

hindi ko rin naubos ang sigarilyo. natira ang halos isang pulgadang tabako
na nakabalot sa itim na sisidlan, kahit sinabi ko pa sa sarili kong uubusin ko yun.

bumalik na kasi ang logic sa isip ko, na napakawalang saysay ng ginagawa.
ano nga ba ang napala ko sa pahitit sa usok at pagbuga nito? nabusog ba ko? umayos ba ang pagmamaneho nung tsuper ng dyip dahil sa usok na amoy tsokolate? kuminis ba ang kalsada sa paombong?

wala namang nagbago bukod sa naglasang tabako ang laway ko at bumigat ang pakiramdam ko. hindi pala matatakpan ng pinakamaanghang na chewing gum o kendi at sangsang ng usok.

bumalik ako sa mundo-kong-walang-lugar-ang-sigarilyo---kahit isang piraso.

kahit anong lasa o amoy ang balatkayo ng tabako, nananatili at
mananatili pa rin itong isang bagay: panganib sa kalusugan.

Thursday, March 29, 2007

hay.

bukod sa email threads naming magbabarkada. wala naman talagang masyadong ginagawa.
kaya eto na ang una kong episode sa aking online lessons kunware.

okay.

naalala ko lang kasi yung isang lesson ko sa klase: song analysis. pinasubukan kong paintindi sa mga estudes ko yung paborito kong kanta: "another day" ng mojofly (si kitchie pa yung vocalist noon) eto yung lyrics:

I think I'll go home now
it's been the greatest day
thank you for shedding life
to my fantasy.

throw me a wicked smile
the one like yesterday
that threw me up and away
to the evergreen.

like a spiral staircase
down i go
losing every step.

i sense an earthquake
I.L.U. don't even know how to say
when will it break
today is gone
but tomorrow will be okay

i'll wait another day

morning awakes me
i need a special plan
this very simple task
i cannot overcome.

hundreds of streets i roamed
in search for the perfect line
nothing i've found good enough for a boy
like you.

why i can never let you go
so strange extraordinary
why i can never tell you so
i must be dumb
why i can never let this go
can't stop this fun
it must be done

kung tutuusin payak lang naman ang mga letra at ang kahulugan ay hindi na masyadong kaylangang hukayin para makita. pero bakit nga ba hirap na hirap ang marami na intindihin ang mga likhang gaya nito.

isa sa mga natuklasan kong (ako talaga ang nakatuklas ano? :) dahilan ay, syempre ang hindi madalas na pagbabasa ng mga mag-aaral o ng mga pinoy in general sa panahon ngayon. mas nahihilig kasi ang lahat sa mga instant. yung tipong ibibigay na sa'yo lahat. hindi na kaylangang gamitin ang isip. kaya patok na patok ngayon ang mga adaptations sa mga literary classics--- but that is another topic.

balik tayo sa paraan kung paano natin mas maiintindihan ang awit sa itaas:

una, hanapin ang mga salitang hindi mo alam ang kahulugan. (look for the unfamiliar words).
paalala: pag nakita mo na ang mga yun, wag kagad kumuha ng merriam-webster dictionary (may brand talaga), pilitin mo munang intindihin ang mga salitang nakita mo gamit ang iyong pawis, at dugo.

ang mga salita kasi ay mga mutants, ibig sabihin pwedeng magpalit sila ng kahulugan, depende sa grupo ng salitang kanilang kinabibilangan (gamitin ang mga context clues). pero kung talagang wala ka ng mapiga at dumudugo na ang ilong mo, buksan mo na ang aklat na pula. hanapin mo na. go!

sa awit sa taas, pwedeng ang mga salitang ito ang nakita mo:

shedding: to give off o giving; to set apart; discharge; pour out; to rid oneself.
fantasy: fancy; imagination; dream;.
wicked: evil; fierce; vile; beyond reason or limits.
evergreen: retaining freshness or interest; twigs and branches of plants.
I.L.U.: I love you.
roamed: go without direction; travel;
line: dialog; script; words.

pag natuklasan mo na ang kahulugan ng mga hindi mo alam na salita. subukan mong isukat ang mga ito sa pangungusap. gaya ng pagsusukat mo pag bibili ka ng bagong damit, tingnan mo kung akma nga ba ang iyong kahulugan. pag sakto sila, ibig sabihin nag karoon ng sense ang pagpalit mo. tapos, basahin mo ulit. baka ganto rin ang nangyari:

I think I'll go home now
it's been the greatest day
thank you for giving life
to my dream.

throw me an indescribable smile
the one like yesterday
that threw me up and away
to the paradise.

like a spiral staircase
down i go
losing every step.
i sense an earthquake
I love you, don't even know how to say
when will it break
today is gone
but tomorrow will be okay

i'll wait another day

morning awakes me
i need a special plan
this very simple task
i cannot overcome.

hundreds of streets i traveled
in search for the perfect word
nothing i've found good enough for a boy
like you.

why i can never let you go
so strange extraordinary
why i can never tell you so
i must be dumb
why i can never let this go
can't stop this fun
it must be done

ngayon, mas madali na ng isang hakbang ang awit.

sunod, dapat makita natin ang persona (yung karakter na nagsasalita o gumagalaw sa likha). sa kaso ng kanta maaaring isang babae ang nagsasalita dahil sa paggamit paggamit nya ng "...nothing i've found good enough for a boy..." pero pwede rin namang hindi, dahil hindi lang girls ang nagkakagusto sa boys. anyway, para walang ayaw sabihin na lang natin na isang tao na itago natin sa pangalang "berto" ang nagsasalita.

may kausap ba si berto o sinasabi nya lang ito sa sarili nya?
kung may kinakausap nga sya, sino yun?
bakit kaya mukhang dead na dead si berto sa kanya?
ano ang nararamdaman ni berto pag nakikita nya ang shiny white teeth nito?
ano ba ang nararamdaman ni berto habang nagdradramadrahan ito?
masaya ba o malungkot o hopeful o kabado si berto?
may tinatago ba si berto?
anong gustong gawin ni berto na hindi nya pa magawa-gawa?
sino si berto?

kung masasagot mo ang tanong sa itaas at makakagawa ng mas marami pang tanong, ibig sabihin nagisip ka. at dahil nagisip ka bibigyan kita ng "star" na tinta sa kamay pag nagkita tayo. o "kiss" na lang para sa mga chikababes. hehe. chika lang.

ngayong nalaman na natin kung ano ang kahulugan ng mga unfamiliar words, nakilala na natin ang persona, at natuklasan ang tema at tono panahon na siguro para malaman mo kung bakit ganun ang "title" ng awit.

another day.

i'll wait another day.

paulit-ulit na binanggit sa awit (aminin may alliteration pa dito). bakit?

kasi si berto ay humahanap ng tyempo. hindi pa kasi nya masabi ang tunay nyang nararamdaman sa kanyang sintang itago natin sa pangalang "tekla" o di ba sosyal! hekhek (kaylangang comedy ang mga pangalan para hindi mahalata na cheesy ito). humahanap pa kasi si berto ng eksaktong moment, eksaktong oras, at perpektong mga salita para masabi na nya na "ikaw ang aking bukas, ikaw ang aking ngayon." hehe

ikaw ilang "another day" pa kaya ang uubusin mo para sabihin ang pinagpuputok ng butchi mo? humahanap ka nga lang ba ng tyempo o mayana habit na yan? game na.

hehe.

*comments and suggestions are pretty much welcome
wag lang po ang mga death threats.
thanks for reading.

Wednesday, March 14, 2007

Congrats sa mga kapwa ko Bulakenyo.
You're a real source of inspiration.


from inquirer.net.

Bulacan students' mobile phone security software wins award

By Alexander Villafania
INQUIRER.net
Last updated 05:52pm (Mla time) 03/14/2007

MANILA -- Bulacan State University (BSU) bested 34 other schools to win P1 million in cash and grants in the 2007 Smart Wireless Engineering Education Program (SWEEP).

BSU Computer engineering students Reginald Payuran, Rexcel Balatbat, Jasmin Macalino, Carmelita Mendoza and Ferdinand Nicdao created an application called Smart PhoneGuard.
Their mentor for the project was Magdalena Gatdula, who also happened to mentor two other groups also from BSU.

Their project is an application that locks down a mobile phone if it is stolen. The next user of the stolen phone would not be able to access the original user's messages and phonebook.

The software will also block the signal of the phone, rendering it useless for making calls, even if the subscriber identification module (SIM) card is replaced.

The software has to be installed in at least two phones so that the other phone would be used to activate the stolen phone's lockdowncommand.

Ten other schools made it to the finals for the SWEEP Awards, three of whom were also from BSU. The other finalists were from Ateneo De Manila University, Systems Plus College, Ateneo De Davao University, New Era University and Adamson University.

The winning BSU team went home with P500,000 while the school received P500,000 worth of grants, the biggest prize given in the three years of SWEEP.

In a press conference prior to the awarding, Smart Communications Public Affairs Head Ramon Isberto said the level of competition this year has increased since the last two years, as entries started to have both hardware and software components.

"It used to be more on the hardware development side but the teams are more sophisticated and they are including software into their projects. Some of the students were actually from computer science courses and not just electrical and electronics engineering," Isberto said.

Isberto said this year's SWEEP is unique as they have included a theme that all the entrants had to follow. This year, they focused on phone safety and security.

Isberto also noted that Smart has included an on-the-job training for students and a faculty immersion in SWEEP. This would allow computer science and electrical engineering students to experience working in telecommunications companies.

Tuesday, March 06, 2007


(wala pang title)
03/06/2007
9:40PM

sa 'di kalayuan,
tanaw ko ang electronic billboard
ng mercury drug
hibang na hibang sa pagpalit ng patalastas.

sa 'di kalayuan,
ipinagdamot ng makakapal na ulap
ang sinag ng buwan
na dapat sana'y tanglaw ng mga nagaabang.

sa 'di kalayuan,
alam kong tulog ka na.
mahimbing nang pumunta
sa lugar ng mga tala.

sa 'di kalayuan,
ako'y nag-iisa;
iniisip ka.

Wednesday, February 07, 2007

sa'yo na ayoko nang pangalanan
02/07/2007


gusto kitang isa-letra ngayon.

hubugin ang iyong mga labi gamit ang aking mga salita;
tukuyin kung pano uminog ang mundo sa iyong mga mata;
kung pano mo kinulayan ang aking bawat umaga.

pero hindi kita maisulat.

nauubusan din siguro 'ko ng mga letra, o maaaring, ayaw na kong pahiramin ng mga ito.
sawa na rin siguro silang kumatawan sa paulit-ulit kong pagamit sa kanila para malaman mong may tinig pa pala ako, na nagbabakasakaling madinig mo.

walang ni isang letra ang sumitsit sa akin.

mamasdan na lang kita;
mananatiling tahimik;
ibabaon na ang aking tinig na patuloy na tumatawag sa'yo.
baka sakaling pag ginawa ko 'yon, mabaon ka na rin sa kahapon ko.