scatteredbondpapers

Friday, September 29, 2006

ngayon,

habang patuloy sa pag-ikot ang ulo ko dahil sa tagay
at sa kakaisip kung ano na ang mangyayari sa atin,
tinext kita "mzta na glit k p ba? sowi na :-)"

pilit kong pinagkakasya sa limitadong espasyo
ang hindi makukulong kong damdamin.
"gising ka pa ba? gs2 ktang mkausap weh."

lumipat na ako ng pwesto,
tumayo, umupo, sumandal,
yumuko, pero...
"cguro nga 2log kna, nyte, i'm so sorry."

hindi pa rin ako kuntento
sa ideyang mahimbing ka na nga. habang ako,
pilit nilulunok ang mapait na serbesa, para kahit
sandali eh malimutan ang nangyaring problema.

tumba.

ubos na ang kahon-kahong beer na kanina's
tila lulunurin kami sa rami.
pero ako, gising pa rin at nag-aabang.
baka sakali kasing sumagot ka ng:
"nsan knb?"

*para kay iceberg 03/08/05 (12:00pm)
(noong panahong lumulutang pa sya sa aking isip)

natunghayan ko na naman ang pagkaway ng mga dahon
sa napadaang hangin.
nalungkot tuloy ako at nainggit ng maisip kong
"sana kinakawayan mo rin ako."

sabay sa patak ng ulan ang mga luhang gumulong
mula sa aking mga mata habang minamasdan ko
ang liwanag ng kidlat ng humahalik sa lupa
---kelan kaya kita mahahagkan?

ngumiti na naman ang buwan habang nakatitig ako sa papawirin
at hinahanap ang big dipper---
pero yung ngiting galing sa'yo,
hindi ko natanaw.

naiwan ako sa paglipad ng isandaang libong ibong maari kong angkasan
para malapit sa'yo.
ngayon tuloy ay nakakulong pa rin ako sa tanikalang
umiipit sa aking pagod nang kaluluwa.

nakakabingi na rin ang katahimikang bumubulong sa aking nagiisa pa rin
ako
sa gitna ng malungkot at madayang mundo---- masasamahan mo kaya ako
na tawirin ang batis tungo sa walang katapusang ligaya?

dati "sana"; pero ngayon "ewan".

Friday, September 22, 2006

dati ko pa gusto ang mga kanta ng urbandub, iba-iba kasing timpla ang nagagawa nila while maintaining the rocking attitude that they naturally possess. naging ma-angst sila sa versus; naging sexy sa sailing at quiet poetic; naging possess sa pag-ibig sa a new tattoo, gone, runaway, at lovers amongst ruins. pero nito ko lang naexperience kung paano pala pwedeng maging napakalungkot ng kaskas ng gitara, palo ng drums, at gulong ng bass.

sa a city of sleeping hearts, pinatunayan ulit ng urbandub na hindi mo kaylangan isuko ang medium mo (sa case nila yung musical genre) para itawid kung ano man ang gusto mong iparating. kaya nilang umiyak sa harapan mo pero hindi mo iyon makikita dahil ka maliligaw ka sa gumugulong at malalakas na palo sa tambol, at madiskarteng paghila sa kwerdas ng gitara.

sa a city of sleeping hearts hindi gumamit ng kahit anong salitang gasgas at kalimitan mong makikita sa mga kantang may kaparehas na tema: walang salitang alone, gayong isa itong kanta nag-iisa na lamang ang speaker; walang salitang goodbye, gayong iniwan sya na kung sino mang minamahal nya... sa halip, pinagtuonan ng kanta ang mga sangkap sa paglikha ng isang tunay na katha (sang kapa may assonance pa ako)

the speaker started everything by creating an atmosphere that will establish the idea of melancholy---3am. "The air is still at 3/ The streets are asleep for now/ The world, it folds it’s arms/ It embraces me/ And hides me from all harm/ It hides me from all harm.” 3am is the vital ingredient that cemented the setting. 3am's a bit too late for party, and a bit too early for people to wake up. in our place, especially, it's taboo if you're still up by that time---the speaker is up at 3am in fact he's still wandering at that time, then you'll wonder why.

"I ponder the loss of stars/ In the night sky,/ A smoked filled air tonight/ For all of us / I weep for our loss". masyadong maraming poetic juices na mapipiga sa isang verse na ito, tulad ng pag-iisip kung bakit kaya smoked-filled-air yung panahon na iyon? hamog lang kaya yun, o isip nyang hindi malinawan sa mga nangyari; alin kaya yun iniiyakan nya? yung paglisan ng mga bituin sa kalawakan o kung paglisan ng kung-sino-mang ayaw nyang mawala sa kanya? ganto sana ang mga kanta, pinagiisipang pagisipin ang mga makikinig, hindi yung tipong wala nang ibang gagawin ang listener kundi ang maupo sa tabi at saluhin lahat ng ibabato ng artists---teka may art pa ba ro'n?

"grabe, ang sakit na ng mga mata ko kakaluha. hindi ko na ata kaya. sobrang lungkot ko." anong meron sa tatlong magkakaugnay na pangungusap? wala diba. wala naman talaga; wala kang makukuha na kahit na ano. kahit tipong magpapakamatay na yung speaker dahil sa sobrang lungkot na nya, wala pa ring dating yung binitawan nyang salita. pano kaya kung ganto: "Tears flood the streets at 3/ Drowning out my broken heart/ Loneliness spreads it's arms/ It embraces me./ And kills me so slowly/ It kills me so slowly." sa palagay mo, may mas malungkot pa bang pangyayari kaysa sa pagbaha ng luha? may mas malinaw pa kayang imahe kaysa sa pagiisang unti-unti kang inaakap, at pinaparamdam sa'yong may bagay na mas masakit kaysa sa sakit?

---

bakit nga ba hibang na hibang ang karamihan sa atin sa mga kantang hindi ka binibigyan ng karapatang magisip. bakit nga ba kumikita ang mga kantang "hindi ko na mapapayagan pang ang puso mo'y paglaruan ng puso kong gahaman..." alas, lahat ata ng kanta ng singer na yan ay may kaparehong tema: ang pagsisisi nyang may asawa na siya, sa dami ng chix na nakapaligid sa kanya. o kaya naman yung mga tipo ng kantang lahat na ata ng oras ng kainan eh pinakyaw---ano yung punto? ayoko sanang isiping kaya kumikita ang mga ganitong kanta ay dahil tamad lang talaga ang mga pilipinong gamitin ang isip nila para maintindihan ang bawat awit, gusto instant. pero, teka, mas maraming nutrients ang fresh kaysa sa mga instants diba?



let's all seek for artistry, in music, in style, in everything. just a thought, it's a great thing to pass away artistically.

Monday, September 11, 2006

i am so lucky.

last saturday a long lost (lost talaga yung word ano) you know, sent me a text message... okay na daw ang lahat, let's forget what had happened in the past and start anew. syempre, happy horse ako...haha...

so yun, text, text, and more text messages during the weekend. then, she'd decided that we should meet, after three long years. haha. excited talaga noh. so, ayun. 7pm pa nga yung usapan pero, nagtext na 5:30pm pa lang. fly na daw ako. ayun, dumating ako almost seven o'clock na din. hehe. kahiya.

ayun, perya, rides, kwento... hehe. it was so cool.

syempre, hindi ko sya girl, and i'm not trying to make her mine, pero enjoy pa rin ang moment.

yun lang, masaya lang ako. :-)