scatteredbondpapers

Friday, August 11, 2006

"everything in you and all around you is beauty."

hindi ko alam kung bakit kahit saang direksyon ako lumiko, bumabalik pa rin ako sa'yo.
inasahan ko nang tapos na ang "tayo"--- kahit gaano man yun kaigsi. pero bakit eto na
naman ako at nagpapanggap na kasama kitang bumubuo ng nobelang mayroong
masayang katapusan.


weirdo ang naging start natin, we're literally worlds apart; though back then I thought
that we can make ends meet; we can stretch time and place with all the strength that that
feeling has--- but no, we can't. it is even weird to imagine that we had the strength,
when in fact all we had was a fantasy of you and me.

i'm tired of inflicting this pain and absurdity to myself, but i can't stop; i won't stop;
i don't want to stop. i'm fine to be in a situation such as this, cause this is the only way
that i got to be with you. i'm tired, pero i'm still hoping na ang make believe Republic na
ginagawa ko ay balang-araw magma-materialize. kahit alam kong malabo,
kahit may mga masasaktan,
patuloy pa rin akong aasa.

you are not my cure; you are my drug that keeps me afloat. lumulutang ako sa isang realidad
na
ikaw lang ang may kakayahang magpatakbo---walang direksyon, walang patutunguhan,
walang kasiguruhan, walang pinanghahawakan---pero tyak may sayang ibibigay sa akin.
sana lang
ay makuha ko pang manatili sa agos ng totoo kong buhay habang patuloy akong
umiikot sa liwanag
at ganda ng iyong mga mata.

pinaamo mo ako gamit ang tinig ng iyong mga ngiti. ikinulong sa ugong ng iyong malamyos
na tinig.
iniwang tulala sa tabi ng teleponong magdamag kong binabantayan sa
pagbabakasakaling maalala mong
may ako pa pala. ako na dating kasama mo sa pagpupuyat,
ako na dating nagbibigay ng saya sa mga
labi mo gamit ang mga kwentong likha
ko (kwentong tangi kong maiaalay sa'yo). ako na minsan ay
naniwala sa pangarap mong
naglayag sa agos ng mga ulap; kahit alam naman nating hindi magaganap.


pero ngayon malayo pa ang patlang sa pagitan nating dalawa kaysa sa layo ng FEU sa
Malolos---hindi
natin matawid, hindi natin mabagtas--- ayaw nating tulayin. takot kasi tayo
sa pwede nitong ihatid sa
atin, takot tayong magbago, takot tayong mag-adjust,
takot tayong masalaula ang araw-araw nating tila
file cabinet na--- maayos, tahimik, malinis---
pero walang thrill, walang surprises, walang dapat
asahan sa bawat pagbangon mula sa
pagkakahimbing, dahil alam na natin kung ano ang kahahantungan sa
bawat pagsilay ng buwan.

ngayon, siguro, ganto muna ako. pero darating din ang oras na tatawirin ko
ang lahat ng pagitang
naghihiwalay sa ikaw, sa ako, sa tayo, at sa atin. dahil hindi kaylan man
ako uusad tungo sa mamaya
hangga't hindi ko nararanasan kung papaano ang mahalin mo.


*para sa'yo na minsan tinawag kong ttp.

Wednesday, August 09, 2006


commercial muna.

naalala ko lang, kasi kanina wala akong magawa, hindi naman ako nakagawa ng entry para dito, kaya share ko muna sa inyo ang isa sa pinakamasasayang incidente ng buhay ko.


nung 4th year h.s. ako may naging ST (student teacher) kami, naging ganun dina ako. anyway, pretty talaga yun, mabait, at higit sa lahat nasa akin yung phone number nya, at close
din kami (hehe).

crush ko nga yun nun, pero san ka pa, kahit ST namin yun eh nagagawa ko dun yung bagay na usong-uso nung panahon na yun: takipan ng mga mata at pahuhulaan kung sino.
syempre uso, kaya ginagawa ko rin yun sa kanya. yung nga lang nahuhulaan naman nya na ako yun. malas lang.

tapos ang intro.


eto na ngayon, nung 1st year college na ako sa bulsu, syempre medyo wirdo kasi noon mo pa lang kinakabisa yung lugar. natatandaan ko nasa ilalim kami nun nung mga barkada ko kasi may
jamming session kami after lunch. may nakita ako: isang pretty na maputing babae, "si ma'am yun ah. hehehe."

super sneak pa ako para hindi ako mahalata. mabilis pa sa alas kwatro kong
tinakpan ang mata niya at unti-unting hinarap ang mukha nya sa akin. (hindi ko pinapansin ang dalawa pa nyang kasamang mga girls din na nagsasabing, "sino yan?")

ayan na, moment of truth na. unti-unti kong tinanggal ang mga kamay ko, hindi nya kasi mahulaan kung sino.


BULAGA!!!!...


mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik sa mga kabarkada ko habang sinasabi kong "sorry, sorry."
hindi pala si ma'am yun. ngek!!! *ito nga pala ang most embarrassing moment ko na hindi ko pa nilalagay sa kahit na anong slum book sa mundo. susunod lang yung nalaglag yung kendi ko habang nagtuturo nung ST pa ako.

totoo pala yung kasabihang: "shit happens." :-)